Wednesday, March 28, 2007

Grad Blues.. And Greens. Hehe.

[EDIT]

I just updated my "shitty shoutouts" document. Don't ask why.

[/EDIT]

Ilang araw na lang at gagradweyt na ako. Hindi nga ako makapaniwala eh. Ang tanda ko na pala. T_T

Ayos na ang damit ko. Sa Biyernes ko pa makukuha. Hay. Sana naman bumagay sa 'kin. Sayang ang dadats eh. HAHA. Wala pa akong sandals. Gusto ko kasi ng glittery black stilettos, eh mukhang ayaw ni Mama. BAKIT?! :[ Nakuha ko na rin ang hiniram kong toga. Sa iskul kasi namin, pasahan lang ng toga mula sa alumni. Weird 'no? Hehe. Di pa rin pala ako desidido sa hairstyle ko. Haaay. Pero excited na ako! :]

Una at huling praktis namin sa Summit Centre bukas. Ayaw nga sana namin na dun gawin ang grad pero okey na lang rin. Ang importante may grad ball kami. HAHA. Yeah, may grad ball kami pagkatapos ng commencement proper. Lusob papuntang Garden Orchid Hotel ang drama namin. May kainan, banda, sayawan. Saya. :]

Speaking of graduation, medyo hati ako ngayon. Parang puno kasi ang sked ko sa Biyernes. May dance practice ata kami. Tapos kailangan ko na rin magpraktis sa banda! Waa. :[ Pagkatapos nun, punta sa Rozen's (ngayon ko lang na-realize na combi pala ng names nina Tito Bert at Auntie Zeny ang name ng shop nila. Sweet.) para i-fit ang damit. Tapos, eto na.. May dalawang taong nag-iimbita sa 'kin sa grad parties nila. Magkaklase pa sila. HAHA. Pareho ko rin silang kaibigan. Di ko alam kung saan ako pupunta. :[At ang tanong: Payagan kaya ako nina Mama? Haha.

Speaking of payag issues, dito na lang raw ako mag-aaral. Yeah, sa Ateneo de Zamboanga University na ako. Final na. Haaay. Pero okey lang sa 'kin. Tama sila, sayang ang scholarship ko. At saka marami pa atang probs parents ko kaya kailangan ko rin maging considerate. Ayos lang rin naman sa 'kin na dito lang ako. Mas komportable pa ang buhay. Hehe. Pero baka lilipat rin ako pag Second Year na. Sa Silliman University, Dumaguete City na. Sana nga matuloy. Gusto ko kasi talaga dun eh. Please lang po, Lord. :]

Solved na ang isang prob ko. Choice course na lang ang dapat isipin. HAHA. Hmm. Dapat ipangako muna ng parents ko na lilipat ako sa Silliman. Kasi kung ganun, eh di kukuha ako ng BS Psychology. Hati kasi ako between AB at BS Psych. Pero kung tuloy man ang lipat, BS na lang talaga kunin ko. Wala kasing AB sa SU. Hehe. At safer na rin siguro pag BS. Kung mag-law or medicine man, pwede pa rin. Hehe.

Diyos meh! Ni di pa nga ako nakaka-graduate, kung anu-ano na naiisip ko. Hehe. O siya, babay muna. :]

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home